Pagkamatay ng dalawang bata na naipit sa bakbakan ng militar at NPA, kinondena ng CHR

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkamatay ng dalawang batang edad 12 at 13 matapos maipit sa bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Northern Samar.

Ayon sa CHR, magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon sa insidente upang malaman kung sino ang mga indibidwal o grupong responsable sa pagkamatay ng mga biktima.

Iginiit pa ng CHR na ang pagkamatay ng mga biktima ay paglabag sa International Humanitarian Law at sa karapatang mabuhay ng bawat mamamayan.


Batay sa ilang ulat, kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Andre Mercado at Leandro Alivio kung saan mayroon ding iba pang mga sibilyan na naitalang sugatan.

Ayon kay Capt. Valben Almirante, Civil-Military Officer ng Philippine Army 803rd Infantry Brigade, nasa kanilang kinaroroonan ang mga biktima nang umatake ang NPA dahilan upang madamay ang mga ito.

Facebook Comments