Catholic charismatic group na El Shaddai, pormal nang inendorso ang BBM-Sara tandem

Pormal nang indendorso ng Catholic charismatic group na El Shaddai ang kandidatura sa pagkapresidente at bise presidente nina dating senador Bongbong Marcos Jr., at Mayor Sara Duterte.

Ayon sa lider ng El Shaddai movement na si Bro. Mike Velarde, panahon na umanong magkaisa ang bawat Pilipino at napili niya sina Marcos at Duterte dahil sa kanilang edad at pagiging bukas ang isipan.

Hindi naman nababahala si Manila Mayor Isko Moreno sa pag-endorso ng El Shaddai kay Marcos at sa halip ay mas importante aniya ang suporta ng ordinaryong mamamayan.


Kahapon ay naglibot sa ilang lungsod sa Metro Manila si Marcos at nagtapos sa isang campaign rally sa Mandaluyong City habang sa Quezon City nagsagawa ng campaign sortie si Moreno.

Sa isang panayam naman, iginiit ng Partido Lakas ng Masa presidential candidate na si Ka Leody de Guzman ang kahalagahan ng pagpapalakas sa local production industry upang hindi na umasa ang Pilipinas sa mga import.

Wala namang naging aktibidad si Senator Manny Pacquiao kahapon.

Facebook Comments