
Sensitibong Balita: Walang indikasyon ng foul play, ito ang sinabi ng Pasig City Police kaugnay ng pagkamatay ng isang grade 9 student na si Isabelle Sophia Tablate na naunang naiulat na nawawala sa Pasig City.
Ayon kay Capt. Rodolfo Rabago, team leader ng Crime Scene Operatives base sa kanilang assessment sa lugar ay walang naging sign na pinatay o ginawan ng karahasan si Tablate.
Ayon kay Pasig Police Deputy Chief Major Loreto Tigno, si Tablate ay huling nakitang buhay pagkatapos nitong lumabas sa isang mall sa Marikina para bumili ng nylon cord at nakitang pumunta sa isang madilim na lote ng LRT-2 noong gabi ng March 18.
Dinetalye naman ni Tigno ang mga narekober na cellphone at iba pang gamit nito na nakita sa nasabing lote pati na rin ang 3 letters na isiningit nya sa mga bag ng kaniyang mga kaibigan nang may pagpapahiwatig.
Kasama sa nasabing briefing ang ama ni Tablate kung saan sinabi nito na wala silang nakitang indikasyon ng depression sa kanilang anak.
Samantala, tinitingnan na rin ng imbestigador ang posibilidad na magsagawa ng digital forensic examination sa cellphone ni Tablate sa pag-asang may makuha pang ibang impormasyon.










