Cauayan City, Isabela- Iimbestigahan ng Department of Health (DOH) region 2 ang pagkamatay ng health worker sa San Mateo, Isabela.
Sa pahayag ng ahensya, pinakilos na ang Cagayan Valley at National Adverse Event Following Immunization (*AEFI)* committee’s para pangunahan ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.
Naniniwala ang DOH na hindi dahilan ang insidente para itigil ang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa kanila, milyun-milyong tao na sa buong mundo ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19, at ang kasalukuyang datos ay nagpapatunay na ito ay ligtas at epektibo sa pagbibigay proteksyon laban sa COVID-19.
Siniguro ng ahensya na magbibigay sila ng impormasyon sa anumang magiging resulta ng imbestigasyon.
Facebook Comments