Second batch ng COVID-19 vaccine mula China, ipapamahagi sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19

Napagdesisyunan ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ipamahagi ang karamihan sa second batch ng Sinovac Biotech COVID-19 vaccines sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 at COVID-19 variants.

Kasunod ito ng pagdating sa bansa ng 400,000 doses ng COVID-19 vaccines mula China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga ito ang National Capital Region (NCR) Plus, Cebu City at Davao City.


Matatandaang una nang dumating sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na siyang kauna-unahang bakunang dumating sa Pilipinas

Facebook Comments