Pagkamatay ng isa sa mga persons of interest sa San Jose Del Monte Bulacan masaker, pinai-imbestigahan na

242

Manila, Philippines – Pinai-imbestigahan na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagkamatay ng isa sa mga persons of interest sa Bulacan Massacre.

Ito’y matapos makita ang bangkay ni Rolando Pasinos, alyas “Inggo” sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan, alas 5:30 kahapon nang madaling araw.

May tali ito sa leeg, may limang saksak, putol ang limang daliri at may karatula kung saan nakasulat ang “adik at rapist ako”.


Ayon kay Dela Rosa, posibleng galit sa ginawang pagmasaker ang dahilan ng pagpatay kay inggo.

Samantala, pinag-utos na rin ni Dela Rosa ang paghahanap kay Alvin Mabesa na ayon sa kanyang pamilya ay dinukot ng mga lalaking naka-bonet noong biyernes.

Tiniyak naman ni Bulacan PNP Provincial Director Sr/ Supt. Romeo Caramat na hindi mauulit sa ibang persons of interest ang sinapit ni Inggo.



Facebook Comments