Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para paniwalaan na ang pagkamatay ng isang 63-anyos na lalaki sa Hong Kong ay may kinalaman sa kanyang pagpapabakuna sa Sinovac.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy pa ring iniimbestigahan ng Hong Kong authorities ang pagkamatay ng lalaki.
Sakaling may makita silang koneksyon sa bakuna ay agad naman silang maglalabas ng alerto sa World Health Organization (WHO) at sa iba pang mga bansa.
Nabatid na dalawang araw na nakaranas ng matinding sakit ang lalaki matapos maturukan ng Sinovac vaccine.
Facebook Comments