Pagkamatay ng isang NDF consultant sa Negros Occidental, kinondena ng grupong Bayan

Kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan ang pagkamatay ni Ericson Acosta sa Kabankalan, Negros Occidental.

Nauna nang naiulat na may napatay na dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang engkwentro sa pagitan ng Philippine Army at mga rebelde sa Barangay Camansi.

Ayon kay Renato Reyes ng grupong Bayan, walang naganap na sagupaan.


Batay umano sa statement ng National Democratic Front (NDF)-Negros, dinukot muna Si Acosta bago pinatay kasama ang isang magsasaka.

Ani Reyes, wala itong ipinagkaiba sa ibang kaso ng pagpatay na pinalalabas na nagkaroon ng encounter

Giit ni Reyes, si Acosta ay dating editor ng Philippine Collegian ng UP at isang alagad ng sining.

Facebook Comments