Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte-Carpio, nakakuha ng mataas na trust at performance rating sa survey ng OCTA

Mayorya ng mga Pilipino ang tiwala at kumbinsidong nasa maayos ang pamamalakad nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte-Carpio sa bansa.

Batay sa huling OCTA’s Tugon ng Masa survey, nakakuha si Pangulong Bongbong Marcos ng 86 percent trust rating at 78% performance rating.

Habang, apat na porsiyento ang walang tiwala sa pangulo at 5 percent naman ang nakukulungan sa mga ginagawang hakbang ni PBBM.


Ayon pa sa OCTA, nakakuha ng pinakamataas na trust rating ang pangulo sa Mindanao na 92 percent, habang nakuha naman niya ang pinakamababang trust rating sa Metro Manila na 82%.

Samantala, nakakuha naman si VP Duterte ng 86 percent trust rating at 80% performance rating.

Nakakuha rin ang bise presidente ng mataas na trust rating sa Mindanao na 98%, habang sa Luzon areas naman siya nakakuha ng mababang trust rating na 81 percent.



Isinagawa ang nasabing survey noong Oktubre 23 hanggang 27, 2022 na may 1,200 respondent sa buong bansa.

Facebook Comments