Pagkamatay ng isang Plebo, walang kinalaman sa ROTC Program, ayon sa Philippine Army

 

Ipinauubaya na lamang ng pamunuan ng Philippine Army ang  usapin sa pagkamatay ng isang kadete na unang napabalita na kagagawan ng isang opisyal ng ROTC.

 

Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Lt. Col. Dem Zagala, Chief ng Public Affairs ng Philippine Army, hawak na ng Philippine National Police ang insidente ng pagkakapaslang kay Willy Amihoy.

 

Si Amihoy ay natagpuang patay sa loob ng kubeta sa dormitoryo ng State College of Fisheries – Dumangas Campus (ISCOF-DC) noong Lunes, Marso 11.


 

Paliwanag  ni Zagala na walang kinalaman ang ROTC sa insidente lalo na at hindi na opisyal ng ROTC na si  Elmer Decilao.

 

Naniniwala si Zagala na personal na away ang namagitan sa suspek at sa biktima, na ang tanging makapagbibigay ng linaw ay ang ginagawa ngayong imbestigasyon ng PNP.

 

Umapela si Zagala sa publiko na pagtiwalaan ang pulisya upang madetermina kung sino ang responsable sa krimen.

 

Dagdag pa ni Zagala, walang kinalaman sa ROTC program ang insidente lalo pa at sentro ng pagtuturo nito ang pagiging responsible at disiplinadong mamamayan.

Facebook Comments