Pagkamatay ng isang returning overseas Filipino habang naka-quarantine, iimbestigahan na ng DOH

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH ang pagkamatay ng isang Returning Overseas Filipino (ROF) habang nasa quarantine facility.

Ito ay si Rachelle Sagonoy na umuwi sa Cebu galing Saudi Arabia noong Agosto 10 at dinala sa isang quarantine facilitity imbes na sa hospital.

Nakipag-usap pa ang pamilya ni Sagonoy na sa ospital na ito dalhin dahil sa iniinda nitong cervical cancer, pero hind sila pinagbigyan at sampung araw lamang ay nasawi ito noong Agosto 20.


Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Dr. Leopoldo Vega, pwede namang dalhin sa ospital imbes sa quarantine facility ang mga ROFs pero kailangang may sistemang sundin.

Nagpaliwanag naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kaya hindi naidala si Sagonoy sa ospital ay dahil sa punuan na ang mga ospital sa Cebu dulot ng COVID-19.

Facebook Comments