Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga insidente ng pagkamatay ng mga suspek habang nasa kustodiya ng pulisya.
Ayon kay CHR Commissioner Roberto Cadiz, layon nito na alamin kung may pag-abuso sa panig ng mga pulis na nakapatay ng mga suspek na umano’y nanlaban, nang-agaw ng baril o nagtangkang tumakas.
Isa na aniya rito ang pagkamatay ni Carl Joseph Bañanola na suspek sa pagpatay sa mag-asawang senior citizens sa Quezon City.
Si Bañanola ay napatay ng mga pulis matapos umano itong mang-agaw ng baril.
Kasama rin sa iniimbestigahan ng CHR ang pagkamatay ni Boyet Tuando, rape suspect na umano’y napatay sa entrapment operation.
Facebook Comments