Pagkamatay ng most wanted drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido, paiimbestigahan ng Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Malacañang na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa pagkakapaslang sa most wanted drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang ikinasang police operation ay isang patunay kung gaano mapanganib sa mga pulis tuwing naghahain sila ng warrant of arrest sa mga high walue targets.

Matatandaang napatay si Prevendido dahil nanlaban sa mga awtoridad kasabay ng paghahain ng warrant of arrest sa kanya sa Landheights Subdivison, Jaro, Iloilo City.


Facebook Comments