Iligan City – Isang malaking kawalan sa Diocese of Iligan ang pagkamatay ni Bishop Elenito Galedo.
Ito ang pahayag ni Vice Mayor Monsenior Jemar Vera Cruz kung saan saksi siya sa lahat ng mga pagbabagong nagawa ni Bishop Galedo sa Diocese of Iligan. Ayon sa bise Mayor, nagluluksa ngayon ang Iliganon matapos sumakabilang buhay ang tinaguri-ang ama, mabait na kaibigan at mapagkakatiwala-ang haligi ng simbahang katolika sa lungsod ng Iligan. Namatay si Bishop Galedo, Martes ng gabi at nakaburol ito ngayon sa St. Michael’s Cathedral. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
Facebook Comments