Pampanga, Philippines – Nangangamba ang mga residente sa Masantol, Pampanga matapos mamatay ang tone-toneladang mga isda sa kanilang ilog.
Ayon sa kanila, ito ay dahil sa kemikal na inilalabas ng dalawang pabrika sa lugar.
Ikinabahala rin ito ng mga may-ari ng mga palaisdaan dahil baka madamay ang kanilang kabuhayan.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sa Department of Environment and Natural Resources para masolusyunan ang problemang ito.
Facebook Comments