Pulis Caloocan na napatay sa ikinasa nilang operasyon, inihatid na sa huling hantungan

Manila, Philippines – Inilibing na si police officer 3 Junior Hilario sa Libingan ng mga Bayani kaninang hapon.

Si PO3 Hilario ay matatandaang napatay makaraang magpaputok ang target nila sa operasyon na isang kilabot na hired killer.

Sa libing nito kanina, dumagsa ang mga kabaro niyang pulis, mga kamag-anak at kaibigan, at sinabing hindi nila makakalimutan ang isang katulad ni Jun.


Inilarawan pa ng byuda nito ang pulis bilang mapagmahal na asawa at ama sa kanilang mga anak.

Samantala, nagpahatid din ng mensahe si Caloocan City Police Sr. Supt. Jemar Modequillo – ayon sa kanya, balot man ng kontrobersiya ang Caloocan City Police dahil sa kaliwa’t kanang anomalya na kanilang kinasangkutan, umaapela naman ito sa publiko na huwag husgahan ang lahat ng pulis.

Paliwanag nito, maraming tuwid at matapat na pulis na handang isugal ang kanilang buhay para lamang sa serbisyo publiko tulad ni PO3 Hilario.

Noong Lunes, binisita pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ni PO3 Hilario sa Neo Vista Subdivision, Bagumbong, Caloocan City.

Bukod sa pakikiramay, na-promote din si Hilario bilang SPO1.

Facebook Comments