Pagkamatay ni 4th class cadet Darwin Dormitorio at pagmamaltrato sa tatlo pang kadete sa PMA isolated case ayon kay AFP Chief

Isolated case lamang para kay AFP Chief of Staff Lt Gen Noel Clement ang  pagkamatay sa hazing ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio sa Philippine Military Academy at umanoy maltreatment sa tatlo pang kadete na ngayon ay patuloy na ginagamot.

 

Ayon kay AFP Chief of Staff Clement hindi institutional incident ang nangyari kay Dormitorio at tatlong pang kadete.

 

Hindi rin daw ito isyu ng buong Cadet Corps kaya para sa opisyal isolated case lamang ang mga insidente.


 

Sa kabila nito  umaasa si Clement na mapaparusahan ang mga may nagawang paglabag lalo na ang mga may gawa ng maltreatment.

 

Sa ngayok ayon kay Clement patuloy na minimonitor ng AFP ang kalagayan ng tatlong kadeteng ginagamot pa rin sa ospital.

 

Iniutos na rin daw ni Defense Sec Delfin Lorenzana sa AFP na icheck ang kalusugan ng lahat ng 4th class cadets sa PMA para matukoy kung may biktima pa ng maltreatment para agad mabigyan ng aksyon.

Facebook Comments