Pagkamatay ni Kian Lyod Delos Santos, huli na dapat sa war on drugs ng administrasyong Duterte ayon kay UN special rapporteur Agnes Callamard

Manila, Philippines – Nanawagan si United Nations special rapporteur on extra-judicial executions Agnes Callamard sa administrasyong Duterte na tiyaking si Kian Lyod Delos Santos na ang huling taong mamamatay sa war on drug ng pamahalaan.

Sa kanyang Twitter post kahapon, muling nagpaabot ng pakikiramay si Callamard sa naulilang pamilya ni Kian at sa iba pang nabiktima ng giyera kontra droga.

Gumamit pa siya ng hashtag na ‘make his death the last.’


Una nang kinondena ng UN ang pagkamapatay ni Kian sa anti-drug war ng Caloocan City Police noong August.

Giit ni Callamard, maituturing na “murder” ang pagkamatay ni Kian at dapat itong imbestigahan.

Kahapon, inilibing na sa La Loma Cemetery si Kian.

Facebook Comments