Pagkamatay umano ni Abdullah Maute, isang malaking dagok para sa Maute-ISIS group ayon sa AFP

Manila, Philippines – Isang malaking dagok para sa Maute-ISIS group ang pagkakapaslang sa isa sa tatlo nilang lider si Abdullah Maute.

Ayon kay WESTMINCOM Commander, Lt/Gen. Carlito Galvez – napatay si Abdullah dahil sa ikinasang serye ng airstrikes ng militar sa pagitan ng August 14 hanggang 26.

Pero ayon Kay Galvez, makukumpirma lamang nila ito kung makikita nila ang bangkay ni Abdullah para isailalim sa DNA testing.


Higit 20 ektarya na lamang ang ginagalawan ng mga terorista at nanatili sa battle area ang Abu Sayaff leader na si Isnilon Hapilon.

Ang kapatid naman ni Abdullah na si Omar na unang napabalitaang napatay ay buhay pa rin.

Samantala, sinabi naman ni PNP Chief Ronald dela Rosa na hangga’t walang narerekober na bangkay ay hindi nila makukumpirma na napatay na ang terorista.

Facebook Comments