Taxi driver na hinoldap umano ni Angelo Arnaiz, humarap na

Manila, Philippines – Nagpakilala na ang taxi driver na hinoldap umano ni Carl Angelo Arnaiz, ang 19-anyos na college student na napatay ng mga pulis sa Caloocan City.

Nagsumite ang driver na si Tomas Marleo Bagcal, 54-anyos ng dalawang affidavit sa pulisya.

Ayon kay Bagcal, naka-itim na sweatshirt na may hood, itim na sombrero, blue na maong short pants, naka tsinelas at may dalang bag ang sinasabing holdaper.


Sinamahan din ni Bagcal ang mga pulis sa pagtugis sa suspek subalit nasa likod lamang siya ng isang poste nang maganap ang shootout.

Matapos mapatay ang holdaper, ipinakita ng mga pulis sa driver ang lalaking nakabulagta sa kalsada.

Batay sa unang affidavit ni Bagcal ay hindi niya nakilala kung sino ang holdaper pero sa ikalawang affidavit na nito ay namukhaan na ng tsuper ang sinasabing suspek.

Facebook Comments