Pagkamit ng herd immunity, dapat madaliin ng DOH – VP Robredo

Nabahala si Vice President Leni Robredo sa target ng Department of Health (DOH) na herd immunity laban sa COVID-19 pagsapit ng taong 2023.

Ayon kay Robredo, dapat mas mapaaga pa sa 2023 ang target deadline sa pagkamit ng herd immunity sa bansa.

Aniya, maraming Pilipino na ang naghihirap at nawalan na ng trabaho kaya’t dapat na tutukan ng pamahalaan ang mas mabilis na pagbabakuna sa mamamayan.


Giit pa ni Robredo, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa para mapabilis ang pag-roll out at pagkakaroon ng tiwala ang publiko sa bakuna.

Ang herd immunity ay kapag may sapat na bilang na ng populasyon na immune sa isang sakit, para hindi na ito maikalat pa sa iba pang lugar.

Facebook Comments