Pagkansela ng DND-UP Accord isang paraan ng pagtataguyod ng karapatang pantao- AFP

Hindi dapat mabahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkansela ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan na naglilimita sa kilos ng mga pulis at sundalo sa loob ng University of the Philippines (UP).

Siniguro ito ni Armed Forces of the Philippines Human Rights Office (AFPHRO) Chief. Col. Alejandro Nacnac, sa harap ng pahayag na mas mapapangalagaan pa nga nila ang “right to education” ng mga estudyante na itinatadhana sa Universal Declaration of Human Rights.

Sinabi ni Col. Nacnac, ang kinanselang kasunduan ang pumigil sa AFP sa nakalipas na 30 taon na pangalagaan ang karapatan ng mga mag-aaral para hindi mabiktima ng recruitment activity ng CPP-NPA sa loob ng unibersidad.


Ayon sa opisyal karapatan ng mga estudyante na mag-aral sa isang ligtas na kapaligiran, na walang impluwensya mula sa mga komunista.

Giit pa ng opisyal, hindi dapat gawing isyu ang usapin ng “academic freedom” dahil ayon sa batas ang academic freedom ay kalayaan ng paaralan na pumili ng magtuturo, ano ang ituturo, paano ituturo, at sino ang tuturuan at walang kinalaman dito ang kinanselang kasunduan.

Facebook Comments