Manila, Philippines – Suportado ng Philippine National Police ang naging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na muna makipag-usap sa CPP NPA NDF para sana sa inaasam na pangmatagalang kapayapaan.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, hindi naman daw kasi nagpapakitang seryoso ang CPP NPA NDF sa usapang pangkapayapaan.
Ito ay dahil sa patuloy na pag-aatake sa tropa ng pamahalaan at ginagawang pangongotong at iba pang iligal na aktibidad.
Naniniwala si Carlos, kinakailangan munang maging seryoso sa usapanng pangkapayapaan ang CPP NPA NDF para tuluyang maisulong ang peacetalks.
Matatandaang kahapon ay muling umatake ang NPA sa Palawan na ikinasawi ng dalawang sundalo habang sugatan rin ang limang miyembro ng Presidential Security Group matapos na makasagupa rin ang mga NPA sa Arakan, Cotabato.