Pagkansela ng pasaporte ni Teves, target ng DOJ

Target ng Department of Justice (DOJ) na ipakansela na ang pasaporte ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., na nagtatago ngayon sa Timor Leste.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dapat aniya ay kinansela na ng mga kinauukulan ang passport ni Teves lalo pa at itinuturing nang pugante ang dating kongresista.

May arrest warrant na rin naman aniya ang korte laban kay Teves kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba.


Matatandaang ilan buwan nang wala sa Pilipinas si Teves kasunod ng pagdeklara l ng Anti-Terrorism Council sa kaniya bilang terorista.

Nauna nang nagtago umano si Teves sa Cambodia at lumipat sa Timor Leste at humiling ng political asylum.

Facebook Comments