DFA, nilinaw na dalawang batch na lang ng Pinoy repatriates ang dadating sa bansa mula Gaza

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang batch na lamang ng Filipino repatriates mula sa Gaza ang inaasahang uuwi ng Pilipinas.

Ito ay matapos manindigan ang 26 na Pinoy sa Gaza na magpaiwan na lamang doon kasama ang kanilang pamilya at asawang Palestino.

Ayon sa DFA, ang 3rd batch ng repatriates ay dadating mamayang 420pm sa NAIA Terminal 3 via Qatar Airways QR 932.


Sila ay binubuo ng 14 Filipino nationals kasama ang limang mga bata kabilang na ang isang sanggol.

Habang ang ika-apat at posibleng huling batch ay binubuo ng 13 Filipino nationals kasama na ang pitong menor de edad at anim na Palestino.

Facebook Comments