Pagkapanalo ng mahigit apat na raang mananaya sa Grand Lotto 6/55, posible at hindi dapat pagdudahan ayon sa isang Mathematician

“Patas ang laro sa lotto”

Ito ang ipinaliwanag ni University of the Philippines Los Baños (UPLB) – Institute of Mathematical Sciences and Physics Professor Dr. Jomar Rabajante, kaugnay ng naganap na pagkapanalo ng 433 na mananaya ng Grand Lotto 6/55.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Rabajante na maituturing rin na “common” o sikat na kumbinasyon ang winning pattern na 09-45-36-27-18-54 dahil lahat ito ay multiples of lucky 9.


Dagdag pa nito, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na higit isang-daan ang nanalo sa lotto dahil nangyari na rin ito sa ibang bansa.

Wala rin aniyang problema sa naging proseso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang i-draw nito ang nasabing kumbinasyon.

Una nang iginiit ng pamunuan ng PCSO na walang nangyaring anomalya sa nasabing lotto draw, at bukas din ang kanilang tanggapan para sa kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments