Natuwa ang Department of National Defense (DND) sa pagkakapasa sa second reading sa Kamara ng panukalang magbabalik ng Reserve Officers Training Course o ROTC sa grades 11 at 12.
Nagpasalamat si DND Spokesperson Arsenio Andolong sa mga mambabatas sa kanilang buong supporta sa panukala kasabay ng panawagan na I-fast track ang pagsasabatas nito.
Ayon kay Andolong, ang pagsasanay ng mga mag-aaral sa ROTC ay makatutulong para maturuan ang kabataan ng pagmamahal sa bayan, moral at spiritual virtues, paggalang sa karapatang pantao at pagiging tapat sa konstitusyon.
Una nang sinabi ni Andolong na ang bagong ROTC program ay kakaiba sa lumang programa dahil sa bukod sa pagsasanay-militar, bibigyan din ang mga kadete ng human-rights training.
Dagdag ni Andolong, ang bagong ROTC program ay makapagpapalakas sa reserve force ng bansa, na mahalagang bahagi ng national defense at security.