Naagapan natin ang katulad sanang scenario noong Marso at Abril na napuno ang mga ospital ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Teodoro Herbosa matapos ang ipinatupad noon na dalawang linggong Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa banta ng Delta COVID-19 variant.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Herbosa na kahit mas maraming naiitalang kaso ngayon ay hindi na kagaya dati na may mga namamatay pa habang naghihintay na ma-accommodate sa mga ospital.
Sa ngayon, karamihan sa mga naka-admit sa mga ospital ay ang mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Facebook Comments