Kinuwestiyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magpatupad ng travel restriction sa Italy dahil sa banta ng Omicron variant.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., iisang kaso lamang ng Omicron variant ang naitala sa Italy nang ilagay ito sa red list.
Dahil dito, nagresulta ang kautusan nang muling pagbabago na naman ng relasyon ng Pilipinas at Italy.
Sa ngayon, hinimok ng kalihim ang gobyerno na ibatay sa siyensa ang mga ipinapatupad na kautusan.
Nabatid na umabot na sa siyam ang kaso ng Omicron variant sa Italy na pawang konektado ng unang kaso na nanggaling sa Mozambique, East Africa.
Ilan sa mga bansang unang inilagay ng Pilipinas sa red list ay ang; South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, Belgium at iba pa.