Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa Commission in Human Rights (CHR) at Philippine National Police (PNP) na imbestigahang mabuti ang pagkasawi ni retired army colonel winston ragos dahil umano sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Si Ragos ay ay binaril at napatay makaraang makipag-girian sa mga pulis na nakatalaga sa quarantine checkpoint sa brgy. Pasong putik sa Quezon City.
Umakma si ragos na bubunot ng baril kaya ito ay pinapatukan ng mga otoridad.
Sa report ng pulisya, ay mayroon umanong kalibre 38 baril sa sling bag ng biktima.
Giit ni Hontiveros, walang excuse para sa ganung kalupitan at karahasan lalo na sa mga taong mayroon umanong problema sa pag-iisip at walang laban.
Facebook Comments