Pagkasayang ng COVID-19 vaccine dahil sa Bagyong Odette, naitala sa apat na rehiyon

Nakapagtala ang National Vaccination Operation Center (NVOC) ng ilang insidente ng pagkasayang ng bakuna dahil sa Bagyong Odette.

Ayon kay NVOC Chaiperson at USec. Myrna Cabotaje, kabilang dito ang Binggawan, Iloilo province kung saan 100 vials ng Pfizer vaccines ang nasayang dahil sa 30-days na extension ng storage nito.

Dagdag pa ni Cabotaje, kasalukuyang nagsasagawa ng assessment kung may nasirang bakuna sa ilang cold chain storage facilities sa Region 6 o Western Visayas; Region 7 o Central Visayas; Region 8 o Eastern Visayas; Region 13 o Caraga; Surigao del Norte At Dinagat Island na may limitadong komunikasyon ngayon dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.


Kasalukuyan ding inililipat sa City Health Department ng Butuan City ang ilang mga bakuna mula sa Surigao City.

Samantala, wala namang nasayang na bakuna sa mga rehiyon ng National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1, Region 2, Region 3, Region 4A o CALABARZON , Region 4B o MIMAROPA, Region 5, Region 9, Region 10 , Region 11, Region 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments