Pinabulaanan ng logistic firm na Pharmaserv Express na may nasayang na COVID-19 vaccines sa ilalim ng kanilang pangangalaga.
Kasunod ito ng sinabi ng Department of Health (DOH) sa huling hearing sa Kamara na mayroong 4,500 doses ng bakuna ang nasayang.
Sa katunayan ayon kay Pharmaserv Express President Andrian Perez, nagdagdag pa sila ng kaukulang safety measures upang masiguro ang maayos na storage at disribution ng mga bakuna.
Tiniyak naman ng Pharmaserv na ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng “quality and dependable cold-chain management service” sa mga Pilipino.
Karamihan ng mga bakuna ay ipinapadala sa storage facility ng PharmaServ Express sa Marikina City.
Facebook Comments