15 milyong Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa 15 milyong mga Pilipino ang nakakumpleto ng bakuna sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kabuuan itong 15,044,354 mga indibidwal na fully vaccinated Pilipinas.

Nagmula ang bilang sa kabuuang 35,838,964 doses ng bakuna na naiturok sa buong bansa.


Target ng gobyerno na makapagbakuna ng hanggang 70 milyong tao bago matapos ang taon upang maabot ang herd immunity.

Samantala, ipapatupad na sa Metro Manila ang granular lockdown mula September 8 hanggang 31 upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng virus.

Facebook Comments