Nagbabala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion na posibleng masira ang buong ekonomiya ng bansa kung magkakaroon muli ng panibagong lockdown.
Ayon kay Concepcion, hindi na kakayanin ng ekonomiya ang panibagong lockdown dahil mawawalan na ng trabaho ang lahat at masisira pa ang stimulus package kapag nagbigay pa ng panibagong Social Amelioration Program (SAP) ang gobyerno.
Giit pa ni Concepcion, mas mabuti na ring magsagawa ng rapid testing kaysa walang gawin.
Nabatid na una nang ipinagtanggol ng ilang pribadong sektor ang ginagawang rapid tests dahil ayon sa kanila, hindi umano reliable at masasayang lang ang gastos ng mga pribado at pampublikong kumpanya.
Facebook Comments