Manila, Philippines – Suportado ng Pilipinas ang panibagong resolusyon ng United Nations Security Council laban sa North Korea.
Kasunod ito ng Intercontinental Ballistic Missile Tests na inilunsad ng Pyongyang noong nakalipas na buwan.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, nananatiling consistent ang Pilipinas sa pagsuporta sa UN Security Council resolutions.
Kabilang sa sanction ng UN laban sa North Korea ang pag-ban sa pag-export ng NoKor ng uling, iron, iron ore, lead, lead ore at seafood.
Pinagbawalan din ang mga bansa na tumanggap ng mga manggagawa mula sa North Korea, gayundin ang pagbabawal sa Joint Ventures sa Pyongyang.
Facebook Comments