Walang pabentang mga karne ng baboy ngayon sa mga meat stalls ng Naga City People’s Mall.
Ang bagay na ito ay kinumpirma mismo ng mga meat vendors ng nasabing pamilihang panlunsod ng Naga.
Bagama’t may reklamo ang mga meat vendors na hindi umano sila nabigyan ng abiso hinggil sa nasabing pagtigil-operasyon ng Naga City Abattoir sa pagkatay ng baboy.
Nag-ugat ang bagay na ito kaugnay ng pagkalat ng African Swine Fever sa mga bayan ng Bombon, Calabanga at ngayon nga ay kontaminado na rin ang mga alagang baboy sa Naga City.
Subalit nilinaw ng management ng Naga City Abattoir na para lamang sa pagkatay ng baboy ang itinigil; ibig sabihin bukas pa rin ito sa mga large cattle tulad ng karabaw at baka.
Kaninang umaga, isang press conference ang isinagawa ng mga opisyal ng Naga City sa pangunguna ni Mayor Nelson Legacion at Dr. Junios Elad ng Naga City Veterinary Office kung saan nagbigay ng opisyal na pahayag ang syudad hinggil sa pagbabawal ng pagkatay ng baboy sa Naga City Abattoir.
Bunga nito, inaasahang ilang araw din na mababakante ang mga meat stalls sa 2nd floor ng Naga City Peopl’s Mall.
Ilan sa mga meat vendors ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at problemado sila sa ngayon kung papaano nila maitatawid ang pang-araw-araw na kinakailangang gastusin ngayong hindi na sila pinapahintulutan na magkatay at magbenta ng karne ng baboy.
Habang tinatalakay ang bagay na ito sa News and Public Affairs radio program ng RMN Naga – DWNX, iba’t-ibang reaction ang naiparating ng mga listeners. Merong nagpahayag ng kanilang negatibong impression, samantalang ang iba naman ay nagpaabnot ng mensahe kung saan dapat tingnan sa positibong abnngulo ang pagpapatigil ng operasyon ng Naga City Abattoir kung saan pangunahing layon nito na maiwasan ang lalo pang pagkalat ng ASF sa Naga City at maprotgektahan ang pangkalahatang kalusugan ng mga mamamayan.
Tutok lamang po sa RMN radio station DWNX – Naga para sa development ng balitang ito. Maririnig ang DWNX sa 91.1 FM at 1611 AM sa Naga City at Camarines Sur.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>