Pagkaubos ng mga mangingisda sa EEZ sa bansa, pinangangambahan

Nangangamba ngayon ang ilang environmental group sa posibleng pagkaubos ng mga isda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Mula 2012 hanggang 2018 parami kasi ng parami ang mga dayuhang fishing boat na nangingisda sa loob mismo ng EEZ ng bansa.

Ito ay base na rin sa datos ng Karagatan Patrol na binubuo ng League of Municipalities of the Philippines at Grupong Oceana na nagbabantay ng illegal fishing sa bansa.


Pinakamaraming foreign fishing boat ay makikita sa pinangalanang fisheries management area 5 kung saan sakop ang Reed Bank.

Mula 4, 786 na mga barko kada buwan noong 2012, umabot na ito sa 10, 631 noong 2017.

Ikinababahala na rin ng grupo maging ang sitwasyon sa Scarborough Shoal.

Ayon naman kay maritime expert at UP Professor Jay Batongbacal – hindi na siya umaasa na magtatagal pa ng limang taon ang Scarborough Shoal.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dinadagdagan na nila ang mga barkong nagpapatrolya sa karagatan ng Pilipinas.

Gayunman, aminado ang PCG na mas ingat sila sa pagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments