Pagkawagi sa bidding ng F2 logistics para pangasiwaan ang 2022 election, sisilipin ng Comelec

Magsasagawa na ng imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) sa F2 logistics na nagwagi sa bidding para sa logistics contract sa 2022 elections.

Ang F2 logistics ay konektado sa Davao-based businessman na 1si Dennis Uy na nagbigay suporta kay Pangulong Duterte noong 2016 presidential election.

Ayon kay Comelec Chair Sheriff Abas, nagbigay direktiba na siya sa Special Bids and Awards Committee (SBAC) upang silipin ang kaugnayan ng F2 Logistics kay Uy.


Kailangan kasi aniyang matiyak kung pagmamay-ari nito ang F2 Logistics, dahil tanging ang 2GO lamang ang alam niyang hawak nito.

Nabatid na isa ang F2 sa best-3 firms na kabilang sa walong participating companies.

Dahil sa pagkakuha ng kontrata, pangangasiwaan nito ang pagde-deliver ng suplay at kagamitan para sa eleksyon tulad ng vote-counting machines, canvassing system machines, transmission equipment at balota.

Facebook Comments