Pagkawala ng 13 marino sa Cameroon, iniimbestigahan na

Tinututukan ngayon ng gobyerno ng Pilipinas ang napaulat na pagdukot sa 13 Pilipino na marino sa bansang Cameroon.

Ang Cameroon ay bansang matatagpuan sa Central Africa.

Ayon sa embahada na nakabase sa Abuja, beniberipika pa nila ang nasabing insidente at tiniyak na may tauhan na nakabantay para matiyak ang seguridad ng mga Pilipino doon.


Sa report pinaniniwalaang mga pirata ang nasa likod ng posibleng pagdukot sa 13 Pilipino sa Cameroon.

Kasabay nito nakikipag-ugnayan na ang DFA sa agency na  humahawak  sa mga pinaghahanap na mga marino.

Facebook Comments