Pagkawala ng isang pari sa Cavite, posibleng may kaugnayan sa e-sabong ayon sa PNP

Nagsasagawa na nang mas malalim na imbestigasyon ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para masampahan ng kaso ang iba pang mga sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay CIDG Director P/MGen. Eliseo Cruz, kabilang sa mga isasampa nilang kaso ay Kidnapping at Serious Illegal Detention laban sa 5 mula sa 10 armadong salarin na dumukot sa isang Ricardo Lasco sa San Pablo City sa Laguna.

Maging ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero sa Meycauayan, Bulacan na ikatlo sa mga kasong kanilang tinututukan.


Samantala, sinabi naman ni PNP Chief, P/Gen. Dionardo Carlos na inaalam din nila ngayon kung may kinalaman sa e-sabong ang pagkawala ng Paring si Fr. Leoben Octavo Peregrino.

Batay kasi sa backtracking na ginawa ng Rosario Municipal Police Station, sa mga kuha ng CCTV kung saan nakita ang Pari, makailang beses itong nakitang huminto sa mga sabungan subalit hindi malinaw kung ano ang pakay nito roon.

Matatandaang nakagapos at nanghihina ang pari nang matagpuan ito sa Silang, Cavite nitong Linggo matapos na mapaulat na nawawala noong Sabado mula nang umalis ito sa kaniyang Parokya sa Rosario noong araw ng Biyernes.

Facebook Comments