Pagkawala ng teritoryo ng Pilipinas sa WPS, dahil kay Justice Carpio – Roque

Nasa kamay ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ang pagkawala ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang 2011 SC ruling na nagbabasura sa petisyon na kanyang inihain laban sa administrasyon noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ukol sa illegality ng 2009 Baselines law.

Argumento pa ni Roque, ang 2009 Baselines Law na ipinasa noong Arroyo administration ay binawasan lamang ang territorial sea ng bansa mula sa higit 229,000 square miles patungong 34,6000 square miles na amang.


Nakasaad naman sa 2011 SC decision na isinulat mismo ni Justice Carpio, ang Baselines Law ay pinapayagan ang Pilipinas at ibap ang member states sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na dinedetermina ang limitasyon ng maritime zones at continental shelves.

Wala malaking papel ang batas para sa pag-aangkin o pagpapalawak ng teritoryo.

Binanggit din na nasa ilalim ng traditional international law typology, mawawala sa isang bansa ang teritoryo sa pamamagitan ng pag-okupa at hindi sa pagpapatupad ng multilateral treaties.

Bagamat hindi niya sinisisi si Carpio, iginiit ni Roque na si Pangulong Rodrigo Duterte ang humaharap sa sitwasyong iniwan ng SC ruling.

Patuloy ring isusulong ni Pangulong Duterte ang bilateral relations sa China lalo na sa mga bagay at isyung maaaring iresolba.

Matatandaang pinuna ni Carpio ang tila pananahimik ni Pangulong Duterte sa panghihimasok ng mga barko ng China sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Facebook Comments