Badoy, itinangging nakatanggap siya ng gag order

Mariing pinabulaanan ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson at Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy na nakatanggap siya ng gag order mula kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Nabatid na pinagbawalan si Badoy at Lieutenant General Antonio Parlade Jr. na magkomento patungkol sa mga community pantries.

Ayon kay Badoy, tinanong niya si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kung totoo ito dahil wlaa siynag natatanggap na kautusan.


Pero sinabi ni Badoy na naibigay na nila sa publiko ang kanilang dapat ihayag kaya dapat mag-‘move forward’ na.

Bago ito, kinumpirma mismo ni Esperon na pinakiusapan sina Badoy at Parlade na itigil ang pagbibigay komento sa community pantry.

Tinanggap aniya nina Badoy at Parlade ang gag order at naiintindihan nila nag sitwasyon.

Facebook Comments