PAGKILALA | ‘Gawad Akap’ para sa peace warriors, ilulunsad ngayong araw

Manila, Philippines – Ilulunsad ngayong araw ang ‘Gawad Akap’ bilang pagpaparangal at pagkilala sa mga indibidwal na nagsusulong ng kapayapaan o ang tinatawag na peace warriors.

Ang Gawad Akap ay kauna-unahang rotary peace award na ipagkakaloob hindi lamang sa mga indibidwal kundi maging sa mga organisasyon, institusyon at mga korporasyon na nakapag-ambag sa kultura ng kapayapaan at pagkakasundo.

Ayon kay Rolly Francia, ang very inspiring president ng Rotary Club of Fort Bonifacio Global City Rotary Year 2018-2019, bibigyan din ng pagkilala ang mga indibidwal na naging instrumento sa pagresolba sa nagaganap na kaguluhan o digmaan sa gitna ng kanilang mga adbokasya.


Igagawad ang Rotary Peace Award sa Pebrero 2019, matapos ang proseso ng nominasyon at pagpili sa mga nominado.

Makakaagapay sa adhikaing ito ang 28 Rotary Clubs sa District 3830 gaya ng mga sumusunod: E-Club of BGC Manila, Makati Ayala Triangle, Makati Business District, Makati McKinley, Makati Gems, Makati Metro, Makati South, Muntinlupa Business District, Parañaque Palanyag, Paranaque Southwest at Sunvalley Sunrise, Alabang Centrepoint, Alabang North, Circuit Makati, Forbes Park, Las Pinas Central, Makati Century City, Makati Cristo Rey, Makati East, Makati EDSA, Makati Paseo de Roxas, Makati Premier District, Makati Salcedo, Metro Pateros, Muntinlupa North, Paranaque BF Homes, Parañaque Metro, Parañaque Poblacion at Parañaque Sucat.

Facebook Comments