Pagkilala ng senado sa mga nasawing sundalo sa pagkikipagbabakan sa Marawi, isinulong ni Sen. de Lima

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila M. de Lima sa liderato ng senado na pagkalooban ng pagkilala ang kabayanihang ipinamalas ng mga sundalo at pulis na nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi City.

Ito ang nakapaloob sa Senate Resolution No. 411 na inihain ni De Lima.

Diin ni De Lima, karapat dapat na saluduhan ng senado ang mga matatapang na miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na nagsakripisyo ng kanilang buhay para proteksyunan ang bansa laban sa terorismo.


Sa ngayon ay mahigit 60 na ang mga sundalo at pulis na nasasawi sa pakikipaglaban sa Maute terror group na umatake at patuloy na naghahasik ng karahasan sa Marawi City.

Ayon kay Senator De Lima, dapat ibigay ng buong bansa ang pinakamataas na respeto sa tropa ng gobyerno na walang pag-aalinlangan na nagalay ng kanilang saril para proteksyunan ang ating demokrasya laban sa mga Islamic extremist groups.

“The Senate of the Philippines salutes the courage of the members of the AFP and the PNP, and honors the valor and heroism of those who sacrificed their lives to ensure that the country is safe and secure from the threats of terrorism,” nakasaad sa resolution ni De Lima.

Facebook Comments