Manila, Philippines – Mahalaga para kay Senator Leila De Lima ang pagkilala sa kanya ng Time Magazine bilang isa sa 100 most influential na indibidual sa buong mundo.
Para kay De Lima, patunay ito na nakabantay ang buong mundo sa kadilimang bumabalot ngayon sa bansa dahil sa idineklarang gera kontra ilegal na droga ng rehimeng Duterte.
Ang pagtutok aniya ng international community ay nagsisilbing ilaw natin ngayon hanggang dumating muli ang pagkakataon namakayanan na nating itaas ang ating sariling sulo o torch at bugawin ang halimaw na bumibihag sa atin sa kasamaan.
Ayon kay De Lima, hindi madali ang ginagawa niyang paglaban para sa karapatang pantao at hustisya.
Pwede naman daw syang manahimik at sayawan na lang ang tugtog na palasyo pero hindi niya ito magawa dahil ito ay tila magiging pagtataksil niya sa bansa, sa mga naaapi at mahihirap, sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak.
Pagkilala ng Time Magazine kay De Lima, patunay na nakatutok ang buong mundo sa kadilimang bumabalot sa Pilipinas
Facebook Comments