30-anyos na babae, wagi ng brand new car matapos na halikan ang kotse sa loob ng 50 oras!

87

Manila, Philippines – Wagi ng brand new 2017 Kia OptimaLX ang isang 30-year-old woman mula Austin, Texas na si Dilini Jayasuriya matapos na sumali sa “Kiss a KIA” contest.
Ito’y matapos niyang halikan nang walang tigil sa loob ng 50 oras ang nasabing kotse!
Nasa 20 katao ang sumali sa contest at ang siste kailangan lang nilang halikan ang kotse kung saan ang matitirang matibay ang siyang maswerteng mag-uuwi ng sasakyan.
Concert tickets naman ang natanggap ng mga hindi nanalo bilang consolation prize.
Samantala, noong 2012 naging viral din ang long-term kissing contest noon sa China kung saan tumagal nang 70 oras ang paligsahan.

Facebook Comments