Ikinalugod ng Pilipinas ang pagkilala ng U.S. State Department sa malawakang pag-aangkin ng People’s Republic of China sa South China Sea.
Sa isinagawang pag-aaral ng US State Department, pinagtibay nito ang pagkapanalo ng Pilipinas noong 2016 laban sa pagsasawalang-bisa sa panghihimasok ng Beijing sa karagatan ng mga kalapit na bansa nito.
Matatandaang pilit na inaangkin ng China ang halos 90% na katubigang pumapalibot sa teritoryo ng iba pang mga bansa tulad ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Taiwan.
Kasunod nito ay sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ito ay naaayon sa Philippines-US Joint Vision Statement kung saan nakasaad dito na ang pag-angkin ng bansang China sa South China Sea ay hindi naaayon sa the International Law of the Sea.
Nanindigan din ang DFA na ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands noong Hulyo 2016 ay parehong legal na may bisa sa Pilipinas at China.