Halos 33,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa ngayong araw

33

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 32,744 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Dahil dito, sumampa na sa 3,357,083 ang total COVID-19 cases pero 8.7% lamang nito o 291,618 ang aktibong kaso.

Ayon sa DOH, halos 98.4% ng mga aktibong kaso ay mild at asymptomatic.


Nasa 16,385 naman ang mga bagong gumaling sa sakit na mas mababa kumpara sa 26,298 new recoveries na naitala kahapon.

Habang 156 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na umabot na sa kabuuang 53,309.

Facebook Comments