Pagkilala sa mga national athletes at sports heroes ng bansa, lusot na sa Kamara

Pinagtibay ng House Committee on Youth and Sports Development ang substitute bill na layong gawaran ng natatanging pagkilala ang mga national athletes at sports heroes ng bansa.

Sa ilalim ng panukala, itatatag ang “Order of National Athletes”.

Ito ang pinakamataas na parangal maaaring igawad ng pamahalaan sa outstanding sports heroes na nagbigay ng pride at honor sa bansa gayundin sa mga atleta na inilaan na ang buhay para mapaghusay ang sarili sa piniling sports.


Sa nasabing panukala, magkakaroon din ng National Endowment Fund para sa mga bayaning atleta upang mapondohan ang kanilang mga benepisyo at pagsasanay.

Inaprubahan din sa komite ang pagtatatag ng Olympian Memorial na magsisilbing commemoration sa mga atleta ng bansa.

Dahil dito, magkakaroon ng kalsada, public sports facilities at public structures sa mga Olympians ng bansa; pagtatayo ng Olympian Museum sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac; at pag-iisyu ng commemorative stamps ng mga Filipino Olympians.

Facebook Comments