Kinumpirma ng Chinese embassy sa Pilipinas na naiparating na rin ng Chinese Foreign Minister sa Philippine embassy sa Tsina ang pagkondena ng China sa anila’y panghihimasok ng mga barko ng Pilipinas sa South China Sea noong Biyernes.
Sa statement ng embahada ng Tsina sa Pilipinas, iginiit nito na naaayon sa international law ang ginawa nilang pagharang sa mga barko ng Pilipinas.
Nanindigan ang China na ang naturang hakbang ay paglabag sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries.
Una na ring naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong diplomatic protest laban sa China kaugnay ng panibagong pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa tropa ng Pilipinas.